10 Mabibigat na Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Pa Umaaseno Hanggang Ngayon

1
92

Para ito sa mga nakapag-aral, nagtapos ng high school o college. Pero isipin mo ito, may mga nakapagtapos lang ng elementarya pero umasenso naman sa buhay.

Alam mo rin siguro na maraming high school graduate lang, pero umangat naman sa buhay. Isa na riyan ang mahal kong Papa.

Galing siya sa isang mahirap lang na pamilya. Dahil sa hirap, high school graduate lang natapos niya. Pero nakapag-ipon naman siya.

Nakapagpatayo ng mga negosyo, nakapag-pundar ng mga tinatawag na “ASSETS” (income-generating) at “PROPERTIES”.

Bakit kaya? Dahil yan sa mga magagandang katangian niya.

Pero sa artikulong ito, magfocus tayo sa OPPOSITE na katangian. Dahil sobrang kalat na sa internet yung magagandang katangian dapat taglayin upang umasenso sa buhay.

Dahil sa sobrang EXPOSE sa mga “how to get rich” techniques sa internet, nagiging IMMUNE na ang ibang tao. Nanatili pa rin sila sa kanilang “comfort zone”.

Kaya simulan na natin, anu-ano ba ang ilan sa mga mabibigat na dahilan kung bakit hindi ka pa umaasenso:

  1. Nahihiya ka! Kaya hindi ka pa umaasenso dahil nahihiya ka. Ayaw mong makita ng ibang tao na pumalpak ka sa negosyo mo, na nagtitinda ka lang ng tubig, saging, barbecue o sigarilyo sa kalye. Ayaw mong makita ng ibang tao na “nagtatrabaho ka lang” bilang housemaid, janitor, driver, tagahugas ng pinggan sa isang restaurant. Ayaw mong magsimula sa pinakamababa. Sosyal ka yata! Gusto mo ng trabaho na may malaking sweldo. Gusto mong ipakita sa ibang tao na maganda ang trabaho mo at malaki ang sweldo mo. Kaya takot ka at nahihiya kang magsimula sa pinakamababa.
  2. Ang tamad mo! Gusto mo ng trabaho na madali. Ayaw mong magsimula sa mahirap na trabaho. Walang puwang sa pag-asenso ang taong tamad. Kung tamad ka dahil may mga magulang o mga kapatid ka pa na malalapitan, nagkakamali ka. Isipin mo na lang pag patay na mga magulang mo, o di kayay mga kapatid mo, meron ka pa kayang mahihingang malaking halaga ng pera? Tandaan mo ang sinabi ng Biblia, “Sa pawis ng mukha ay kakain ka ng tinapay…”
  3. Hindi mo alam na mas mahalaga ang ORAS kaysa sa PERA! Kaya nagsasayang ka ng oras sa pakikipagtsismisan sa kapitbahay o kaibigan. Hindi na maibabalik ang segundong nawala sa iyo! Pero ang pera, pwedeng kitain yan. Yung oras? Lahat tayo nauubusan ng oras. Dahil pag dumating ang panahon na matanda ka na, let’s say, 70 years old ka na, uugod-ugod ka na. Wala ka ng panahon para magsikap at umasenso sa buhay.
  4. Ang yabang mo! Puro ka salita. Putak ka ng putak sa mga plano mo pero wala namang aksyon. Lalo mo lang nilulugmok sarili mo sa kahihiyan pag hindi natupad mga plano mo. At dahil yan sa sobrang yabang mo.
  5. Hindi mo alam kung magkano PERSONAL CASHFLOW mo! Hindi mo alam kung magkano ang total expenses mo kada buwan. At lalong hindi mo alam alam kung magkano NET INCOME mo kada buwan. Malulugmok ka sa hirap pag ganyan. Dahil matutukso kang bumili ng mga gamit na hindi naman nararapat o napapanahon. Kadalasan sobrang liit na lang ang matitira sa iyo kada buwan. Kaya pag kinapos ka ng pera, umuutang ka na lang.
  6. Ang luho mo! Dahil nakita mong magaganda ang mga gamit, alahas, gadget o sasakyan ng mga kaibigan mo, bumibili ka rin para sa sarili mo na hindi pa naman kailangan.
  7. Hindi ka nagbi-build up ng mga ASSET at NEGOSYO! Maliit pa nga ang sweldo mo, maluho ka pa, paano ka makakabili ng mga REAL ESTATE PROPERTIES (lupa) niyan? Saan ka kukuha ng CAPITAL para sa bagong NEGOSYO mo?
  8. Walang disiplina sa sarili! Lagi ka lang natutulog. Lagi ka lang niyayaya ng mga kaibigan mo gumala. Heto naman hindi ka tumatanggi. Sa halip na gugulin ang oras mo sa pagpapaunlad sa sarili mo, sa pagkakaroon ng bagong skill, sa pagkatuto ng bagong kaalaman, pero narito, lagi kang nag-fi-facebook, naglalaro ng online games, nakikipag-tsismisan sa mga kapitbahay. Hindi mo sinasanay ang pag-iisip mo sa mga mahihirap na bagay. Gusto mo nang madali.
  9. Walang kang eksaktong pangarap sa buhay! Hindi detalyado kung ano ang gusto mong marating sa buhay. “Go with the flow” ka na lang. Sapat na sa iyo “isang kahig isang tuka” na pamumuhay.
  10. Ayaw mong baguhin buhay mo! May nabasa kang magandang payo tungkol sa pagpapaunlad sa sarili. Pinayuhan ka ng mga taong may narating na sa buhay. Pero ayaw mong baguhin sarili mo. Ayaw mong baguhin pag-iisip mo at ugali mo.

10 Mabibigat na Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Pa Umaaseno Hanggang Ngayon

Simple lang naman ang buhay. Magbago ka para umasenso o mananatili ka lang ganyan at maghirap? Pili ka lang.

Meron ka pa bang gustong idagdag sa listahang ito? Ipost niyo lang po sa comment sa ibaba.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Comment moderation is enabled. Your comment may take some time to appear.